Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 2

Wednesday, February 22, 2006

Ian blogs: Strangers in the Night


Lesson: "Don't be shy."

FRIDAY.
- "One ticket to Busan please?"
- "There are no seats available."

Okay lang, sanay naman ako... ilang rides na ako ng train mapa-Seoul, Daejon or Busan man, wala akong seat lagi."

It was cool that afternoon kaya naman I was confident sa suot kong turtle neck sweater lang.

1 and half hour, nakatayo ako sa bandang likuran ng train, dun sa kung saan mga teenagers eh nagsisiksikan kasi wala ring upuan, dun sa kinalalagyan ng toilet at mirror for vain people.

"In a few moments, we will arrive at Busan Station.", announce ng operator.

4th time ko na tong makabalik dito --- but this time, wala akong direksyon.

Paglabas na paglabas ko ng station, diretso ako sa Internet cafe sa mismong harap lang ng Russian-Filipino Street sa harap lang rin ng station. Naghanap ako ng pwedeng matuluyan for that night kaya alas onse na ako nagdecide na pumuntang Jwangcheon-dong Station.

Diretso ako sa subway baka kasi magclose..... "This stop is Jwacheong-dong...." announce ulit ng operator.

"Its Friday night, napakaaga pa para pumuntang sauna house at magpahinga." sabi ko.

So I decided na bumaba sa next stop which is Beomil-dong Station.

Paglabas ko sa station, Hyundai Shopping Mall agad nakaharap sakin, pero close na to. Madilim ang lugar. Napag-isipan kong pumasok muna sa isang bar for a can of soda.

Diretso ako sa Club One Bar.

Pagpasok ko, tinginan lahat ng tao sakin. (hiya mode)

Napansin kong halos kabataan ang naron including a group of foreigners.

Naupo ako mag isa at nag order ng Cali Shandy.

Halata kong panay ang sulyap ng mga Koreano na katabi ko. Smile smile lang rin ako. Yung mismong may-ari nalang rin ng bar nakipag usap sakin kahit baluktot yung English nya pati Korean ko. Di rin nya ako makausap ng maayos kasi nga sangkatutak ang customers nya.

"Hi, I'm Ross, and you're?" , biglang tanong nito at inabot ang kamay para makipag handshake.

"I'm Ian." sabi ko.

"My friends asked me to check you out here since you look pretty new to us.", dagdag pa nya.

Uhhuh" lang nasagot ko.

He then invited me to join them since nag iisa lang rin daw ako.

Usap usap kami until they decided na lumipat daw sa kabilang bar kasi andun daw iba pa nilang friends.

Nawala na rin ang hiya ko pero may konteng ilang pa rin. Gusto ko na ring umalis nung mga oras na yun pero since alam ko rin namang close na ang subway pabalik sa Jwacheong-dong, sumama na rin ako sa kanila.

Lumipat kami sa Zip Bar.

I enjoyed that night, first time kong makihalubilo sa ganon karaming tao na tingin ko eh pagkatagal tagal na. Sinabi ko na rin sa kanila na wala akong direksyon since kararating ko lang ng Busan at dumaan lang dito sandali.

So they invited me to David's place kasi gigimik pa raw sila dun.

David (American), Ross (American), Horak (Korean) at kaibigan nyang lalaki, 3 other American guys, and 3 more American girls.

Diretso kami sa multi-million apartment unit ni David. We got to know each other well, watched movies, ate....

Pagod na pagod ako... di ko akalaing mapapadpad ako dun with them pa na first time ko pa lang nameet. Katabi ko ang dalawang Koreano sa isa sa 3 guest rooms ni David para matulog.

When I woke up......



Strangers in the Night 2

Lesson: "Don't sleep with strangers........but... you may sometimes."

Sabay kaming natulog ng dalawang Koreano since sobrang pagod na kami.

Mga alas 4 na rin ata yun ng umaga nung tuluyan na akong naidlip sa pagkakatulog.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz......

"Ian.... Ian....wake up", banggit ni David (in picture) sabay tapik sa balikat ko.

"Its noon man, lunch is ready..." dagdag pa nya.

"Where are they?" tanong ko.

Umalis na raw pala sila kaninag umaga pa. Akalain mo ba namang ala una na pala ng hapon ako nagising, dala siguro ng sobrang pagod at puyat the other couple of nights.
Di na daw nila ako inintay since may mga appointments pa sila kaya nagpaparegards nalang daw sila sakin.

Sabay na kaming kumain ng pananghalian --- omelet and fried chicken fillets.

Okey to dito, may internet ang computer sa guest room kaya banat ako sa pagchachat habang hinayaan kong manood si David ng basketball sa TV.

May nahanap uli akong bagong sauna house na pwedeng matuluyan tonight so I told David na aalis na ako. Sabi nya ihahatid na raw nya ako since mag gogrocery rin sya.

Bago pa man kami naghiwalay sa Lotte Underground Shopping Mall sa Seomyon (center part of Busan), kumain kami saglit sa isang Japanese Resto at hinayaan akong mag order ng puro sushi.
David gave me his phone number, tatawagan ko lang daw sya pag kelangan wala na akong matuluyan ulit.

We separated ways...

Ako nalang ulit mag-isa. Windy sa labas so napagpasyahan kong dun na muna magstay sa underground mall. 30 minutes rin akong pabalik balik nung napagdesisyunan kong mag internet ulit. Kaya diretso ako sa internet cafe sa labas at nagchat hanggang alas 11 ng gabi.

Akala ko'y close na ang subway kaya nagtaxi nalang ako papunta sa Seomyon Market kung saan ang location ng sauna house na nakita ko sa internet.

Pagbaba ko....

Oh dear.....



Home for the Homeless

Lesson: "SAVE MONEY!"

Behind the flashy neon lights of busy Seomyeon Street where teens dance till dawn, and men and women drink till they drop, there's a place to stay and get rid of those noise.... NokJoo Jimjilbang (Sauna House).

For 7,000 Won, you're allowed to stay there for 24 hours --- sleep in bulk beds, floor, or ni separated men-women rooms. Take a shower


(unfinished entry)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home