Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 2

Monday, February 13, 2006

"I'm a SFC (Single For Centuries)" Ian

Lesson:
"Don't look for love, it will run after you....promise."

Love is in the air cus its February. Not for me. Love comes in the right time, the right way, and the right place. I'm not a perfectionist when it comes to it, it's just that I'm tired of imperfections in love.

There are a couple of categories in love.....

-- Puppy Love --

Too old for this, but hey, believe it or not, I experienced this too.

Rosemarie, everytime na nakikita kita, parang kumukulo ang dugo ko. Inlove yata ako sayo... sana ikaw rin sakin. Di ko makakalimutan ang Rosemarieng to, eto yata ang first Love ko kuno. Grade 5 ako nung una ko syang naging classmate. Ang jologs ko kasi nung bata pa ako, eto naman sya isa sa mga sikat sa school. Feel ko naman gusto nya rin ako kasi nagkokopyahan kami sa test, nililibre ko sya paminsan ng tig 2 pisong orange juice, 50 centavos na ice water at paminsan 5 pisong burger sa canteen. Feel ko gusto nya rin ako kasi iniimbitahan nya ako pati ibang classmates namin para pumunta sa bahay nila at magbenta ng mga paninda nilang grapes.
Feel ko gusto nya rin ako kasi minsang sinabi nya saking... "Ian, crush ko ang ilong mo sabay halakhak." Hay, si Rosemarie nga naman, ok na kahit may kaagaw ko si Paul na isa sa mga sikat sa class namin basta feel ko ulit na crush nya rin ako. Grabe feeling ko pala!


-- Stupid Love --

Crystal, it's been a year since I last met Crystal. (in picture) Singkit mata nya, big and round naman sakin, gusto namin pareho isa't isa.... Koreana si Crystal, matanda ng isang taon sakin... mala-kristal ang balingkinitan nyang katawan, ang makinis nyang kutis, mahalimuyak nyang amoy at nakahihibang nyang smile....
Di na bago na araw araw kaming nagkikita...
Di na bago na araw araw kaming nag-uusap...
Di na bago na araw-araw kaming nagtatawanan...
Di na bago na araw araw ko rin syang pinapagalitan...
Di na rin bago na araw araw rin syang nadidismaya sakin...
Di na bago na sabay kaming kumakain...
Di na rin bago na araw araw kaming magkasama...
Di na bago yun , kasi teacher nya ako, at estudyante ko sya...
Akala ko'y di nagbago ang pagtingin namin sa isa't isa...
Nagbago lang ng dumating ang isang bagong mukha sa landas naming dalawa...
Di nya pala gusto ang bagong rasa, lengwahe at itsura...
Kasi dun sya sa Koreano -- luma at nakasanayan nyang lasa....
Lahat ng akala ko'y nagbago....
Naman to oh.. ba't ba pag love lagi akong ga-go.


-- UNconditional Love --

Marissa. Hahay Marissa. Nung una kong nasilayan ang maganda mong mukha at mataba taba mong katawan, nasabi ko sa sarili ko na mabait ka (lol). Nung una kong napag alaman na taga Maynila ka... nasabi ko sa sarili ko na mahal na pala kita. Few days after ng start ng 2nd year High School days natin nang nagustuhan kita lalo. Todo rason ako kay Mama at Papa para dagdagan ang baon ko para malibre lang kita ng tag 10 pisong pizza sa canteen. Alam ko kasing may pagkasosyal ka kaya nagpapakasosyal rin ako. Di ko akalaing magiging close ko na rin ang mga sosyal mong friends. Di ko makakalimutan na araw araw ay parang ako na ang tagabigay ng pagkain sa yo pag recess time. Di ko makakalimutan na kahit ice water ay sakin kana nakadepende. Ok lang sakin, feeling ko kasi M.U. tayo, lalo na nung marinig ko ang chismis sa kabilang klase na gusto mo raw ako. Gusto? Saan kaya? Kasi galante ako noh? (Kiss nga jan.)
Di ko makakalimutan na pati mga sosyal mong friends ay sinasama mo sa tuwing sasabihin kong sabay tayong umuwi. Di ko makakalimutang pati friends mo ay nagpapabayad sa akin ng pamasahe. Ok lang sa akin kahit nung birthday mo ay binilhan kita ng pagkalaki laking Hello Kitty stuffed toy worth 300 at di mo pinansin. Ok lang sakin na mas tinanggap mo pa ang plastic ring worth 4.50 pesos na bigay sayo ng crush mo raw. Ok lang sakin kahit yung 2 kong karibal ay close friends ko. Ok lang sakin na ako ang nagbayad ng Entrance fee ng LAHAT ng friends mo pati karibal ko nung ininvite mo kami sa swimming resort nung birthday mo. Ok lang rin sakin na ibigay sayo ang dalawa kong favorite pet gold fish ko for your birthday. Ok lang sakin na di nyo ako tinirhan ng pagkain nung birthday mo. Ok lang rin sakin na di bayaran ng kuya mo ang utang niya sakin na 50 pesos. Kaya ok lang sa akin ang lahat. Ok lang na bumalik ka'ng Manila.
Kasi na-realize ko na OK lang pala na wala ka, kasi mas OK pala. Dahil pag wala ka sa paningin ko, OK sana ang studies ko at di ako bumagsak sa Physical Education dahil sayo. Ok ka talaga Marissa. I love you.

Eversince, I never met the love of my life kuno.
Eversince, di na ako naeexcite sa mga Valentine's Day na yan.
Eversince di na ako doble gastos sa pagkain.
Eversince di na rin ako doble gastos sa pamasahe.
Eversince, di na rin ako iyak iyak with matching looking at your pictures every night.
Eversince, natutunan ko na maghintay na lamang.
Will I be single for centuries?
Of course not. I'm just too busy with my job. I have no time for a relationship now....
Mas mabuti na tong ganito, focus ako sa family ko.
My heart belongs to my family.

I love my them more than anybody else... more than ROSEMARIE... of course more than MARISSA.

LOVE LOVE LOVE? Wag na muna....

Feeling ko kasi ... ok lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home