Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 2

Monday, March 20, 2006

Paano kung masunugan ako?! - Kathryn

Pag may sunog? Naku, naaalala ko nung bata ako, may isang bahay na nasunog sa di kalayuan sa aming lugar at talaga namang tarantang langgam ako na nagsisigaw sa papa ko na hakutin na namin ang mga gamit namin at umalis. Hehe. Syempre OA 'yun dahil mga ilang bloke din ang layo nung bahay na nag-aapoy. Ewan ko ba, takut na takot ako na masunugan ng bahay. Sino bang hindi? E para kang nawalan ng buhay at kinabukasan pag natupok ng apoy lahat ng gamit mo. Kasama nang masusunog ang mga pangarap at pag-asa mo. Sa palagay ko hindi mo na kailangang maranasan ang masunugan para lang mapagtanto na napakapait ang mawalan ng matutuluyan at magagamit sa araw-araw, 'yung mga bagay na naging parte na ng buhay mo, mula sa paliligo sa banyo hanggang sa pagtulog sa kama. Life can never be the same again, 'ika nga.

Siguro pag naranasan ko ang trahedyang ito sa aking buhay, ang unang-una kong mga ililigtas ay, syempre, 'yung mga mahal ko sa buhay. Tapos mahahalagang dokumento at gamit (kagaya ng pera, alahas, cellphone, etc.). Hindi dahil sa materyosa ako, naisip ko lang na mas "realistic" ka sa goal mong magligtas ng mga gamit pag 'yun 'yung inuna mo. 'Yun kasi yung mga bagay na mahalaga na, madali pang isalba. E, hello, kahit na sabihin mo pang mataas ang adrenaline mo at pwede kang makabuhat ng ref in times like this, 'yung ref iisa lang 'yan kumpara sa mga bagay na nabanggit ko. At aanuhin mo 'yang kung wala ka ngang socket na mapagsasaksakan dahil, nakalimutan mo na ba, natupukan ka nga ng bahay diba? Atleast, 'yung mga mahahalagang dokumento at gamit mapapakinabangan mo pa kahit wala ka nang bahay (na sana pansamantala lang naman!).

Pagsisimulang muli... isa sa pinakamahirap na parte ng pakikibaka ng isang tao o pamilyang nasunugan. Paano ka nga naman magsisimula kung halos wala kang mga bagay o gamit, let alone bahay, to start with?? Ako, lagi kong sinasabi sa sarili ko, mahahanap lahat ng bagay. E diba sa wala din naman tayo nag-umpisang lahat? Tsaka, para sa akin kasi, lahat ng bagay posible. Basta andun 'yung paniniwala mo at pagsisikap para makamit mo 'yung mga layunin mo. Isa pa, simple lang naman akong tao, hindi ko hinahangad masyado 'yung magagarang gamit. Basta ang importante may magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Tsaka ang paraan ko kasi para hindi ako madaling mawalan ng pag-asa o madaling panghinaan ng loob, pag may ginagawa ako, inuunti-unti kong bunuin at hindi ako si "madami pa 'kong gagawin o kailangang tapusin". Bawat ma-accomplish ko, every step of the way, I consider an achievement. That's why I easily attain that so-called positive vibes. Ganun. Kaya, pag nasunugan ako, alam ko, kakayanin kong bumangon muli. =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home