Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 2

Friday, April 21, 2006

DAY SEVENTY-SIX
Maristel blogs: VACAY

~~> April 17 , Monday
Woke up around 11 am, kaya lang nag CR lang muna ako... I went back to my bedroom, climb up the bed and guess what?!? Natulog ako ulit!!! Hehehe!!! Naalimpungatan na lang ako when I checked my cell and see what time it is... OMG!!! 18:00!!! Hala!!! Lagot! Kaya ako naman, dali-dali talaga akong tumayo! Grabbed my purse and my cellphone! Deadma muna ako pagbaba ko! wala lang... Hahaha!

We asked Bane na pumunta sa palengke and check kung may mabibilhan pa ng liempo. After 20 minutes she came back, and WALA NA daw! Hala!!! Patay na! Kung kailan tuloy na tuloy na yung outing namin tsaka naman, wala mabilhan ng liempo! So ayun, inutusan na lang namin si Bryan and Bane na pumunta ng SM and dun na lang bumili ng liempo.

Nung nakabalik na sila... I did my thing na. Nilinis ko na yung chicken. Nagprepare na ako ng dalawang bungkos ng garlic. Basta lahat ako na! I swear! Mahirap! Nilinis ko yung mga liempo. Ang hirap talaga kapag walang assistant! Si Bane naman kasi naglinis pa ng kamay at paa!!! Tama daw bang kung kailan oras na ng trabaho tsaka magmamanicure and magpedicure!!! Haay naku talaga!!!

We're going to borrow my Dad's MB100... Para van na lang kami. Para di na kami magdadalawang sasakyan. Mahal ang krudo!

Late night while I was preparing the foods, my dad came! Ininvite din kasi sya ni Tita Lani. Since maghihiram kami ng van sa kanya nakakahiya naman kung di namin sya isasama di ba? Anyways, ayun kwentuhan sila sa bahay namin! Ako naman, talagang nagpakabusy na sa pagpeprepare! 2 1/2 kilos of pork liempo and 2 kls of chicken for adobo ang niluto ko. Ang sakit pa sa kamay ng bawang! Muntik na din ma-overcook! Naawa pa ako sa mga puppies ko kasi sobrang late na and di pa sila kumakain! So I rushed everything! Pinalabas ko na sa fridge yung 4kilos of liempo pa (para naman sa ihaw-ihaw)... Tinimplahan ko na din! Salt and vetsin na lang! Mahirap pa dun, mabuto! Kaya ang kamay ko - eto puro sugat...

~~> April 18, Tuesday
2:30 am -- when I finished preparing the foods. RJ and Kuya Sander come with my Dad. Kukunin kasi nila yung van. So ako, I took my time. Naligo na ako! Ayaw ko naman bumyahe ng di naligo! Ayaw kong manlagkit and wala din ako tulog! So I went upstairs and grabbed my bath things! Nung nasa CR na ako, I texted my fellow vHousemates muna... Phew! At long last! This is it! Tuloy na nga kami! Pagod pero I know pwede na din! Iilan lang naman kami kaya pagdating dun pwede na kami magtulong-tulong.

3:30 am -- ayun, nag pack up na talaga ako! I grabbed my swimming gears. I grabbed 4 tees, 1 skirt, 1 shorts, 5 undies, and some of the things I'll be needing. Since I have my period I bought one pack of napkins. Mahirap ng maubusan!

4:00 am -- we received a call from Kuya Sander, asking kung prepared na nga raw ba! So ako I woke up Bryan and told him to get ready, Kuya Sander's on his way na. So ako, bumaba na agad. Checked on the things we'll be bringing sa biyahe.

5:30 am -- kinamada na nila yung mga gamit sa sasakyan! Magdadalawang sasakyan pa sana kami, kaya lang 3 lang naman yung sasakay sa Safari so, sabi namin! Sama-sama na lang. Saktong 6:30 we left. Nakakalungkot pa nga kasi di man lang makakasama mom, my brother and his wife and his baby... So sabi ko sa kanya, pilitin niyang makasunod!

~*~ on the road... wala naman masyado traffic! ~*~
7:30 am -- Ayun na! Sa wakas nahanap din namin ang VILLA V... Hahaha!!! Nagbreakfast muna kami... Swim! And played Badminton with Paulo! Hahaha!!! Mega sound blast kami agad! Para naman masaya! I texted my co vHousemates na andun na nga kami!
Nakipagkita kami dun sa dati naming driver.

Ayun na! Nag-umpisa na ang mga kalokohan! Swimming dito! Tulakan dito! Lunuran dito! Dapat walang pikunan! Nung nagkapaguran na kami! I dried myself na! Nung okei na ako! Punta na ako dun sa room ko! I changed my shorts ...

Natulog muna ako... Mga 1 hour lang siguro... Paano ba naman, I heard my cousins shouting "Andyan na sila!!!" So ako, tayo agad ako! and checked kung sino dumating. There, I saw my Dad's Pajero... He's with his friend Dyunie, Lando and 2 maids Jessa and Jobie. I also saw my cousin's Safari... Yung kapatid ko na pala ang nagdala! I saw Karen, Nice (the baby), My mom and our maid Meck. So kumpleto na! Wala ng kaming hinihintay! Swim na lang talaga ulit!
By 11pm inantok na talaga ako! Di ko na talaga kaya!!! Kaya I took a short shower - I clamped my hair and strike anywhere na lang ako! Natulog ako! Di ko alam, sumunod pala sila Papu, Bane and Bryan sa akin. Natulog din. Nilatag na lang nila yung sleepingbag na dala nila.
Dumating din pala yung Dad ni Kuya Sander with Thessa, Yonick, Criselle, Yonick and Ian. Sorry, pero talagang di na kinaya ng powers ko and di ko na sila naharap! Di nga din ako nakapagdinner... :( Lahat ng pinrepare ko - di ko natikman...

~~> April 19, Wednesday
Mga around 3:00 nagising na ako, kasi nagtalak na mommy ko sa room! So I stood up... Direcho na ako sa labas. Sabi ko sa Mom ko kung may makakain pa - sobrang sakit na talaga ng sikmura ko. Ayun nakapagtabi pala si Kuya Sander ng hipon. While I was having my meal, lumapit Dad ko and gave me a money. I asked him, what's it for... For the puppy? Di daw... So, ok... I told him thanks... I can't kiss him kasi dirty lips ko. Kumakain ako eh...

Wala na din pala kami maiinom, pano naubos ang yelo! So nagpaalam ako sa Dad ko na lalabas kami and bibili ng yelo. Dinala na namin ang van. Sumama na sa kin sina Bane, Paulo and Bryan drove us sa bayan. Bumili ako ng Vodka Cruiser, melon flavor. And isang lapad ng Tampurador - este Emperador, for the youngsters! I bough some cup noodles din for my Dad and Mom and para kay Bryan. Pano... Walang natira sa amin. Swerte namin ni Bane kasi naka tig dalawang hipon kami kahit papaano. Pati yung 4kilos na Liempo that I prepared, wlalang natira! Sinigang na Hipon wala din! Pati ung napakaraming mais na binili namin, wala! As in SIMOT!!!

Pagbalik namin sa Villa V, dun kami sa kabilang cottage, inom! And card games kami! Tulog na lahat and yung Dad ko naman nagpapababa ng tama sa dami ng nainom!

Mga around 5:00 am nagaalam Dad ko. Alis na daw muna sya. Punta sya ng Sta. Cruz Laguna with Dyunie and Lando. Iwan na nya yung mga maid nya para makatulong. Sad to say! Wala naman naitulong! Walang mga kyeme eh...

Around 6:00 am I talked to the the caretaker of the Villa magpapaextend kami till 12 noon. Okay daw. Hanggang sa nagising na lahat and asked me to talked to Ka Azon ulit kung pwede kahit till 10pm na lang daw kami para di mainit sa biyahe... Yun nga lang dagdag 2k daw. So till 7pm na lang kami nagpa extend.

I practiced some divings. Yung una ulo. That I can't do kasi. When my brother decided to swim, ayun, sabi niya dive daw ako ulit. Ayun, kung di talaga matiga ang ulo ko, huling dive ko na nga, nadisgrasya pa ako! Nauntog ako! Tumama ulo ko sa flooring ng pool. Sumobra naman ata! Eh di nagkabukol ako sa right side ng forehead ko! Have to admit it - MASAKIT TALAGA!!!
Pati lunch - late na ako kumain. Paano, nakaidlip ako. Around 2 pm ginising lang ako ni Bryan para makapag lunch na daw ako... Inihaw na tilapia! My favorite! Pero konti na lang nakain ko - kasi sobrang antok na ako! So after eating my lunch, tulog ako ulit. This time dun naman ako sa room nila Tita Lani. Dun kasi solo ko lang. Para walang maingay!

They woke me up mga 5:00 pm. Magprepare na daw kasi uuwin na. So I packed my things and sinakay ko na sa van. Naguni-muni muna ako...

Sakto 7pm biyahe na kami! We got home 9pm... Di pa ako agad natulog! Nilinis ko muna lahat ng cooler na dala namin! Inayos ko mga puppies ko... I took a long cold bath! Ang init kasi eh! Then Bane called me, kasi dinner nga daw... Ayun, had a quick dinner then, my cousin asked me to make an excuse letter for his friend who was with us, si Japheth...

After that, I brushed my teeth and cleansed my face... I slept na...

I'll be attaching some pics... Proof na talagang I really gained weight... hehehe!!!
1st pic... 'was just takin' a break...
2nd pic... that's Villa V. That's we're we spend our night.
3rd pic... Siyeata ko yan! Bago ako nagpahinga nung tanghali... Di kasi namin nadala yung digicam kaya cellphone cam na lang...
4th pic... Sa cottage while having an afternoon shots! With Kuya Sander, Bryan and Eric (dati naming driver)
Last pic, bago ako nagkabukol. With my cousin Bane...
Anyway, miss you all!!! Adrian, Heidee, Kath, Paolo...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home