Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 2

Saturday, April 01, 2006

Ian blogs: Lasing! (ulit?) Part 1/2

Lesson: "Punasan ang tumutulong laway."

Kring kring.....
Me: "Mrs. Kim... may I talk to Reyna?"

Suki na ako sa telephone ni Mrs. Kim, alam na nya ang rason pag tatawag ako sa kanila.

I wanna meet Reyna, 30, ang bestfriend ko sa lakwatsa, and the only person na nakakaalam sa pagkatao ko. Sa Sunday na flight nya pauwing Pinas, though magkikita pa rin naman kami dun, iba pa rin pag dito kami gumala kasi feel-at-ease kami dito sa Jongang-no. "Sight-seeing" lagi trip namin at pasta.

Reyna: "Ian, I'm so sorry, I have to go to Pohang to meet Chris. I promised him na pupunatahan ko sya dun eh kasi di sya papayagan na makalabas ng Marine Base.

Wala naman akong plano talaga that day, gusto ko lang makita si Ate Reyna at gumala sandali. I lent her 50,000 won, sabi ko sasabyan ko na sya sa Pohang.

Oh well, syempre, loves ako ng bestfriend ko so expected ko na na malibre ako.

Dun kami sa backseat naupo... of course kami lang foreigners sa bus na yun. Filipinos ng anaman, kahit san talak pa rin. Kaya pinagsabihan kami na tumahimik.

I listened to my MP3 nalang, bored... and hilo...... Ang tagal pa ng byahe... hilong hilo na ako..... Bwooooehhhhhh..... muntik na akong mag throw-up. Yeah I love to travel, pero ayoko ng natatagalan ako sa loob ng bus. Hilong hilo ako sobra, parang lasing.

POHANG. Last time kong naparito, nung Summer 2005 pa with my co-teachers ko sa English Summer Camp ng school ko.

Di alam ni Reyna ang specific location ng base, so I stepped in para kausapin ang Koreanong Taxi driver.

Narating namin ang Marine Base ni Chris. First meeting rin nila ni Reyna to so nagkailangan rin sila konte.

Di pinayagan si Chris na papasukin kaming mga bisita nya sa loob ng base so hanggang dun lang kami sa gate.

Grooooggorrooggooggooorrrgggoooggg!!! Sigaw ni langit.

Jologs, ngayon pa uulan!

30 minutes rin nag usap ang dalawa sa ulan, while ako sa isang tabiu, listening to MP3, eating Pringles, at nilasap ang hayumak na ulan!

Basang basa ako, pati Digicam ko basa, pati MP3. Pati ang bag ko, basa ang mukha ko, so nagkalat na ang suot kong make-up.

We're done. Uwi na kami sa Jongang-no sa Daegu para pagpatuloy lakwatsa naming dalawa.

BUS. Same thing happened... hilong hilo ako..... puno ng laway bibig ko.. gustong kong isuka .. talgang kadiri.....

1 and half rin akong ganon ka messy. Nung palapit na kami sa Daegu, nag-ayos na ako ulit, kasi gimik na kami ni Reyna.

DAEGU TERMINAL.
Reyna: "Ian, palitan mo naman ng won ang dollars ko.
So naghanap ako ng ATM, pero wala akong nakita.

Pagbalik ko sa staion...... Wala na si Reyna. Hinablot ng American at Korean friends nya na ininvite sya for dinner.

I'm all alone now..... "I remember!!!!" Ring ring.....
Me: "Jay, this is Ian, let's meet!" (Jay, read my previous post "Nasty!")
Jay: "I'll be at Migliore in 30 minutes."

Itutuloy....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home