Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 2

Tuesday, April 04, 2006

Ian blogs: Lasing (ulit?) Part 2/2

Lesson: "Walang mang uuto, pag alang magpapauto."


"Ian!", sigaw ni Jay galing sa kotse nya. Bago na naman kotse ng loko, last week lang eh iba yung gamit nya.
Me: "I told you not to smoke if we're together."

Happy-go-lucky to the max ang korean friend kong to. Isa to sa pinakaclose ko sa lahat ng foreign friends ko. Give and take kami lagi. Libre nya ako kahit san, ako naman personal tutor nya sa English.

Saturday night, 10 PM. --- Niyaya ko syang kumain bago pa man nya pinaandar ang kotse.
Jay: "No Ian, I'm full. I wanna drink!"
Loko tong isang to, lalasingin na naman ako nito!
Jay: "Okay, I will drink, you will eat. Okay?"

Kabisado nya syempre ang city, so pumunta kami sa Texas Youth Bar.

Sabi ko nga before, I gained confidence here in Korea kasi malaki mata ko, so impress na impress mga Koreano sakin. Papgpasok namin sa bar, tinginan lahat sakin, then smile. Ninanam ko nalang ang moment, feeler kasi, so todo "hello" "hi" ako sa mga fans. Haha.

Pwesto kami ni Jay sa may bandang sulok. I ordered Chicken Barbeque and Orange Juice. "Soju" naman order ni Jay (popular Korean hard liquor).

Maglalasing na naman tong isang to.

Sarap na sarap ako sa kain ko. I know na yun na ang last meeting namin kasi uwi na akong Pinas very soon!

Jay: "Ian, one shot."
Me: "What a..!?!?"
Jay: "For our friendship...."

Dami naman kaOAhan nito, talagang may seal pa yung friendship namin ano..at dinaan pa sa one-shot!

Nakita ko sa movie na "Coyote Ugly" ang dapat gawin sa sitwasyong yan. Nag "one-shot" ako kunyari, then kunyari inom ako ng tubig. Yun pala, nilagay ko lang yung liquor sa bibig ko then nilipat ko sa kabilang glass of water. Naparami ang one-shot namin, ganon pa rin ginawa ko. Lasing na sya... ako buhay pa. Hahaha!

Jay: "Chinggu (Korean for "friend"), let's go dance!"

Naku pano to, I know how to dance, pero sa Tinikling lang ako magaling eh, haha. Ewan, haven't tried it yet eh.

Lasing na si Jay so bihla nya kong hinablot at lumabas kami, called a taxi and dumiretsong... "Arabian Nights."

Kinabahan ako nung una sa maaaring mangyari sakin... first time eh.

Pagpasok sa bar... ang laki ng bar sobra.. mas malaki pa sa combination ng dalawang gym. Professional ang mga staffs, pati mga customers ok naman. Then may malaking stage sa harapan, at malawak na dance floor.

Order si Jay ng ... 10 bottles of beer.

Naku, loko tong isang to. Kala nya maiisahan nya ako ulit!

Nung time na comfortable nako.... niyaya ko syang pumunta sa dance floor. Dagsaan ang mga tao dun, so sayaw sayaw ako konte, grabe, nanibago ako. Sumasayaw ako dati, mag-isa, sa kwarto ko. Pero naeenjoy ko talga sobra.

Inom...sayaw...inom..sayaw.... Si Jay... lalong naging lasing... Ako? Ok na ok! Hahaha!

Paubos na ang beer, order ulit si Jay ng isang bottle of whisky. Inamoy ko yun... naku ang baho parang amoy ipis na ewan. Ganong technique parin ginawa ko.... magdamag kami dun. May mga tinable ng babae samin.. pero tawa kami ng tawa ni Jay, sabi namin... "ugly." Deadma lang namin yung girls so kusa rin silang umaalis.

5AM. Si Jay bagsak na. Ako buhay na buhay! First time kong makasama ang isang lasing na lasing so todo kapit sya sakin pagbaba sa stairs. Ang bigat, pero enjoy naman ako sa kapit nya. Hehehe. We took a taxi pabalik sa kung san nya pinark kotse nya, it was 6 AM.

We decided na dun na matulog sa kotse nya, ako sa backseat... when..... Kreoooookkkkkkk,................... (nature calls).Di nako nagpaalam pa sa kanya, bigla akong sumakay ng taxi papuntang Banwoldang Station...at diretso sa CR.

I will miss my Korean bestfriend alot. Last meeting na namin yun eh...malamang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home